Mabagal ba net mo? Nahihirapan ka bang manood nang mga paborito mong anime dahil kaliwa't kanan ang gumagamit nang wifi nyo? Madaling paraan dyan ay idownload nalang ang mga anime na gusto mo para mapanood mo ito kahit saan at ala nang pahinto hintong scene dahil sa pagloloading. Pero pano nga ba? Ito ang paraan para madownload mo ang mga anime na gusto mo, maganda ang guality at mababa ang kailangang mb.
Unang dapat gawin ay mag-install nang mga browsing at downloading app sa cellphone para mas mapadali ang pag-aasikaso nang mga download at di magkaproblema. Nirerekomenda ko ang mga app na Opera mini at UC browser. Mag-install din nang video player na app upang mabukasan ang video. Ngayon gamitin ang browser app para isearch ang website na "www.animeout.xyz". Isearch ang anime na gustong panoorin. Tapos iscroll down mo ang page hanggang sa makita mo ang mga episodes. Pindotin ang episode na gusto mong idownload at hintaying lumabas ang bagong page. Sa page na yun aalukin kang magbayad nang 5 dollars para makapasok sa private server pero pwede mo ito hindi pansinin at pindutin nalang ang "download public server". Hintayin uling magloading ang bagong white page at pumindot nalamang kahit saan sa screen para makuha ang idadownload. Diba madali lang. Paalala lamang, dahil private server lang ang ginamit mo ay di ka pwedeng magdownload nang sabay-sabay. Hintayin mo munang matapos ang dinadownload bago magdownload nang iba.
At ayun lamang ang isa sa mga paraan para magdownload nang anime. Marami pang paraan base kung anong website ang ginagamit mo. Ayun lamang at masayang panonood nang anime sa inyo.